Saturday, October 23, 2010

Buwan ng Wika . . . idinaos

Noong ika-22 ng Agosto, 2009 ang Paaralang Elementarya ng Mayor Eugenio Torrento ay nagkaroon ng isang palatuntunang parangal sa tinaguriang Ama ng Pambansang Wika na si Manuel L. Quezon.
Ang paksa ngayong taon ay “Wikang: Filipino Mula Baler Hanggang Buong Pilipinas”.
Sinimulan ang palatuntunan ng isang panalangin at pagbibigay ng pambungad na pananalita ni Barangay Kagawad Leo Jagarap, bagong hinirang na pangulo ng Parents Teachers Association o PTA.
Ang bawat baitang mula una hanggang ikaanim ay nagpamalas ng kanilang galing sa pagtula, pagsayaw at pag-awit. Ang bawat bilang ay nagpapahiwatig ng konseptong may kapupulutan ng aral tunglol sa wika.
Nagkaroon din ng panunumpa ng iba’t ibang samahan na pinanunumpa ni Gng. Delia Tribunsay, punong-guro.
Ang programa ay nagwakas sa sabayang pag-awit ng mga bata at sa pangwakas na pananalita ni Gng. Delia Tribunsay.

By: Lady Rose Gicana

No comments:

Post a Comment