Wednesday, October 20, 2010

Buwan ng Nutrisyon . . . Ginanap

Buwan ng
Nutrisyon . . .
Ginanap

Ang temang “Wastong Nutrition Kailangan, Lifestyle Diseases Iwasan” ang siyang paksa ng Nutrition sa taong ito. Ipinagdiriwang ng Paaralang Elementarya ng Mayor Eugenio Torrento ang palatuntunang ito noong ika-29 ng Hulyo, 2009.
Bilang bahagi ng pagdiriwang, nagsagawa ng iba’t ibang paligsahan sa slogan, Poster making at Cooking na nilahukan ng mga mag-aaral mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang.
Ang palatuntunan ay sinimulan ng isang panalangin at pag-awit ng “Lupang Hinirang”.
Naging kasiya-siya ang pagdiriwang sa ipinakitang mga iba’t ibang tula, awit at sayaw na kinabibilangan ng mga mag-aaral mula kinder hanggang ikaanim na baitang. Ipinahayag din ang mga nagsiwagi sa iba’t ibang paligsahan. Ang mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ang siyang mga nanalo.
Nagkaroon din ng Panunumpa ng mga Opisyales ng iba’t ibang samahan na pinanunumpa nina Punong Barangay Ronnie Paguntalan at Eugenio Tigres.
Ang palatuntunan ay nagwakas sa sabayang pag-awit ng mga bata at sa pangwakas na pananalita ng punong-guro na si Gng. Delia Tribunsay.
By:Jessa Marie Bito-on

No comments:

Post a Comment